UP's Ibrahim Quattara (right) and FEU's Prince Orizu  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
UP's Ibrahim Quattara (right) and FEU's Prince Orizu (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

NAITALA ng Far Eastern University ang pinakamahabang winning streak sa UAAP Season 80 nang pabagsakin ang University of the Philippines, 75-59, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ang markang 4-2, umusad ang Tamaraws sa ikatlong puwesto sa likod nang walang talong Ateneo (6-0) at La Salle (5-1). Bagsak naman ang Maroons sa 3-2.

Rumagasa ang opensa ng FEU sa 22-10 run sa seond quarter para sa 40-24 bentahe sa halftime.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pinangunahan naman ni Ron Dennison ang 14-0 run sa final period para tuluyang mailayo ng Tamaraws ang kalamangan. Kumubra si Dennison ng 16 puntos mula sa 7 of 15 shots sa field, at may pitong rebounds at tatlong assists.

Nalimitahan din ng depensa ng FEU si UP top star Paul Desiderio sa siyam na puntos mula sa 4 of 12 shooting.

“It was a defensive game for us,” sambit ni FEU coach Olsen Racela. “First time namin this year to limit a team below 60 points. ‘Yun ang focus namin sa start of the game, to limit them defensively. Timing din na we caught them on an off-night.”

“’Yung mga napasok nilang shots against La Salle, hindi pumapasok ngayon,” aniya.

Nanguna si Ibrahim Ouattara sa Maroons sa naitalang 17 puntos at 13 rebounds, habang kumubara si Juan Gomez De Liano ng 12 puntos.

Iskor:

FEU (78) - Dennison 16, Escoto 12, Orizu 8, Inigo 7, Parker 7, Comboy 6, Cani 5, Tuffin 4, Ebona 4, Ramirez 4, Tolentino 3, Stockton 2, Trinidad 0, Nunag 0, Bayquin 0.

UP (59) - Ouattara 17, Ju. Gomez de Liano 16, Desiderio 9, Dario 8, Manzo 4, Lim 3, Webb 2, Ja. Gomez de Liano 0, Vito 0, Ricafort 0, Jaboneta 0, Lao 0, Prado 0.

Quarterscores: 18-14; 40-24; 56-43; 78-59.