Laro sa Miyerkules (San Andres Complex)

9 n.u. -- DOMC vs SFAC (S)

10:30 n.u. -- SCC vs CdSL (S)

SUMANDAL ang Colegio de San Lorenzo sa husay ni Jon Gabriel upang pabagsakin ang Philippine Christian University, 84-81, sa kanilang knockout game at umabante sa semi-finals ng NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa AMA University gym sa Quezon City.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kumubra si Gabriel ng pito sa 13 puntos ng San Lorenzo sa fourth quarter, tampok ang makapigil-hiningang three-point play mula sa foul ni Christopher Okoronkwo sa huling 19 segundo upang tiyakin ang panalo para sa Griffins.

Dahil sa panalo, itinakda ng CdSL ang isang kapana-panabik na best-of-three semi-final showdown laban sa Group A topnotcher at defending champion St. Clare College-Caloocan simula Miyerkules.

Sa isa pang semi-final match, magtutuos ang Group B champion De Ocampo Memorial College at St. Francis of Assisi College.

Ang three-point play ni Gabriel laban kay Okoronkwo ay nagbigay sa Ironcon Builders-backed Griffins ng 83-81 bentahe may 19 segundo ang nalalabi.

Nagmintis sina Von Tambeling at Michael Ayonayon sa kanilang posibleng game-winning three-pointer bago tinapos ni Argie Baldevia ang laro sa kanyang split free throw.

“Team effort ang dahilan ng panalo, pero talagang malaki ang naitulong ni Gabriel, lalo na sa huling bahagi ng lato,” pahayag ni CdSL coach Boni Garcia.

“Hindi nawalan ng loob ang mga players ko kahit nawala pa si (Soulemane) Chabi Yo dajil sa injury,” dagdag pa ni Garcia, gumabay sa koponan sa kampeonato ng 2017 MBL Open nitong Hunyo.

Nanguna sa CdSL sina James Alvarado na 17 puntos, na tinampukan ng perfect 5-of-5 shooting, at Jan Formento na may 15 puntos, kasama ang apat sa pitong triples ng Griffins.

Kumana si Gabriel ng 13 puntos, 10 rebounds at tatlong blocks.

Ang CdSL import na si Soulemane Chabi Yo ay may pitong puntos at limang rebounds bago nagtamo ng injury sa second period.

Nanguna si Yves Sason sa PCU sa naiskor na 24 puntos, kabilang ang limang triples.

Nag-ambag sina Ayonayon ng 16 puntos, Chester Saldua ng 15 puntos at pitong rebounds at Tambeling ng 14 para sa Elvis Tolentino-mentored Dolphins.

Iskor:

CDSL (84) -- Alvarado 17, Formento 15, Gabriel 13, Baldevia 9, Sablan 8, Yo 7, Rojas 6, Ancheta 4, Callano 3, Vargas 2, Laman 0.

PCU (81) -- Sason 24, Ayonayon 16, Saldua 15, Tambeling 14, Okoronkwo 6, Mescallado 4, Palattao 2, Castro 0, Malto 0.

Quarterscores: 23-19, 48-37, 68-58, 84-81.