THE Quezon City Police District conducts a Commission on Elections checkpoint on University Ave. in Quezon City at the start of the election period for the barangay and Sangguniang Kabataan polls on Oct. 23 yesterday. (MB photo | Jansen Romero)
THE Quezon City Police District conducts a Commission on Elections checkpoint on University Ave. in Quezon City at the start of the election period for the barangay and Sangguniang Kabataan polls on Oct. 23 yesterday. (MB photo | Jansen Romero)

Pinaalalahanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na umiiral na ang total election gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections simula kahapon, Oktubre 1.

Sinabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa publiko na hindi maaaring magbitbit ng baril sa labas ng kani-kanilang bahay kasabay ng paglalatag ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa buong bansa, partikular sa Metro Manila.

Ayon pa sa opisyal, bukod sa checkpoint, paiigtingin din ang police visibility sa lahat ng sulok ng Pilipinas, kasunod ng pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na opisyal nang nagsimula ang election period kahapon, kahit pa isinusulong ang pagpapaliban sa halalan hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo 2018.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ang mga hindi naka-duty na opisyal ng pamahalaan at mga pulis na hindi naka-uniporme ay hindi exempted sa total gun ban.

Inihayag ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na epektibo ang gun ban hanggang sa Oktubre 30, habang ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ay itinakda sa Oktubre 5-11.

Nilinaw ni Jimenez na tuloy pa rin ang eleksiyon sa Oktubre 23 hanggang hindi napipirmahan bilang ganap na batas ang pagpapaliban sa halalan.

Sa ngayon, aniya, ay nasa 50 milyong balota na ang nakahandang i-deliver.

Gayunman, umaasa si Jimenez na bago magsimula ang paghahain ng COC sa Huwebes ay mapipirmahan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na magpapaliban sa eleksiyon. - Bella Gamotea at Mary Ann Santiago