Mapapa-aray na naman ang mga motorista sa napipintong oil price hike na inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa industriya ng langis, posibleng tumaas ng 60 sentimos ang kada litro ng kerosene, 50 sentimos sa diesel, at 25 sentimos naman sa gasolina, bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), pumapatak ang gasolina sa P40.80-P50.99 kada litro, habang P29.85-P35.85 ang diesel. - Bella Gamotea

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente