Miss Millenials winners
Miss Millenials winners

Ni NORA CALDERON

PATULOY na nagbibigay ng maganda at makabuluhang presentation ang Eat Bulaga,kaya pagkatapos ipagdiwang ang ika-38 taon sa pagbibigay-saya, innovation ang pagsasagawa nila ng naiibang beauty contest na ang contestants ay pawang beauty titlist sa kani-kanilang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang kinausap ng in-charge sa production, si Ms. Jenne Ferre ay ang tourism department ng bawat probinsiya o siyudad at madali naman silang napasang-ayon, nakabuo sila ng 38 beauty candidates.

Hindi binigo ng Eat Bulaga ang kanilang televiewers mula Batanes hanggang Jolo at sa buong daigdig na mayroong GMA Pinoy TV. Simula pa nang ilunsad nila ang first Miss Millennial Philippines 2017, isang beauty candidate ang nagpapakilala ng kanyang lugar through social media, Facebook, Twitter, Instagram at sa EB dala ang mga pasalubong nilang products, pagkain o delicacies ng kanyang lugar na ipinatitikim din sa audience ng Dabarkads.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa finals, pinunong muli ng EB ang Mall of Asia Arena na may mahigit na 15 thousand seating capacity dahil nagsidalo ang support group ng 38 candidates, ang kanilang local tourism workers at ilang mga mayor at governor na mula sa kanilang probinsiya ay dumayo pa ng Manila para suportahan ang kani-kanilang kandidata. Nagkaroon din ng chance na manood ang fans na nakakuha ng libreng tickets.

Bukod sa P500K cach, Montero SUV at condo, ang first Miss Millennial Philippines 2017 winner, ang pride ng Camarines Sur at ng buong Bicolandia na si Julia Novel Gonowon,ay tumanggap din ng special award na Miss Flawlessly U at nagkamit ng karagdagang fifty thousand cash prize.

Ang iba pang mga nanalo ng special awards ay sina Miss Mllennial Masbate Vanna Vefsie Discaya as Miss Xonrox Colorsafe ang Best Regional O.O.T.D; Miss Millennial South Cotabato Camille Folio as Most Talented; Miss Millennial Camiguin Teresa Caccianaga for Vitamilk Friendship Award; Miss Millennial Malabon Shiara Joy Dizon won two special awards, Miss Kopiko Blanca at Miss Millennial Poten-Cee. Lahat sila tumanggap din ng cash prizes.

Tinanghal namang Miss Millennial Bayanihan Queen si Miss Millennial Ilocos Norte Irish Joy Lacayanga. Hindi siya kasali sa top ten finalists pero big winner din siya, dahil bukod sa mayroon din siyang korona, tumanggap pa siya ng 100 thousand pesos at ang kanyang lugar sa Ilocos Norte ay tumanggap ng one million pesos na gagamitin para sa ikauunlad pa ng kanyang lugar.

Bukod sa performances na kasali ang mga beauty candidates sa opening production number, na ipinarada nila ang creations ng kanilang stylists, nagpakita rin ng husay nila sa pagsayaw ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nagulat ang audience nang mag-acrobat si Alden na walang harness, at maging si Maine nai-focus na nakahawak sa dalawa niyang cheeks habang pinapanood si Alden na after ng number nito ay tumakbo sa kanya at nagkamayan silang dalawa. Nagbigay din ng special number sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at ang kambal na sina Mavvy at Cassy Legaspi. Hinarana ni Baeby Baste ang 38 beauty candidates bago in-announce ang limang title winners.

Malaking tagumpay ito ng Eat Bulaga, lalo pang magigising ang ibang bayan o probinsiya ng bansa na magkaroon din ng local beauty contests na ang mananalo ay puwede nilang ilaban sa susunod na Miss Millennial Philippines. 

Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit hindi nagpadala ng representatives ang Manila at Quezon City?