Ni NOEL D. FERRER

SA October 6, Biyernes na gaganapin ang coming out concert ng dating si Charice na si Jake Zyrus.

Dubbed as I Am Jake Zyrus, aabangan ng mga tao ang transformation ni Jake na nasa prosesong maging transman.

Laging siyang natatanong, paano na niya maaabot ang dating matataas na birit sa mga kantang mala-Charice?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Jake Zyrus
Jake Zyrus
Paano na ang sayaw niya, wala na bang lifting, instead sisirko at ta-tumbling na ba siya ala Streetboys and Maneouvres?

“Excited po ako d’yan, sobrang nakakapagod ang rehearsals pero it’ll be worth it. Ayaw ko na pong mag-expect ang mga tao ng mala-Charice na kantahan. It’ll be like expecting a Celine Dion performance sa isang Justin Timberalke act. Iba na po si Jake Zyrus at sana matanggap at masuportahan pa rin siya ng mga manonood,” sabi ni Jake sa aming Level Up Showbiz Saturdate radio show noong Sabado.

Pero nagpauna na si Jake na mayroon siyang duet with Charice sa nasabing concert na dapat abangan. Kung paano mangyayari ‘yun, talagang kaabang-abang ngang talaga.

Darating daw ang kanyang lola at ibang kapamilya at kaibigan. At malamang nandoon din ang kanyang bagong inspirasyon pero unlike sa ex-girlfriend niya, nasa sidelines lang ito dahil hindi naman daw ito singer. (Actually napag-alaman namin na dancer pala ang bagong GF ni Jake.)

Isa pa sa mga napag-usapan namin ay ang proseso ng legal na pagpapalit ng pangalan ni Charice to Jake Zyrus.

Ngayon, hanggang screen name pa lang daw ang Jake dahil sa mga legal na dokumento tulad ng passports at BIR, Charice pa rin ang kanyang ginagamit.

Ang kasama namin sa radyo na si Atty. Bong Alikpala ang nagsabi na, “I don’t think the law allows a change of first names for transgenders quite so easily. “

“The law she might be referring to is really meant for clerical errors or where your name is embarrassing or difficult to pronounce. If he wants to use ‘Jake’ it must be shown that it is ‘to avoid confusion’. I would think he would need to go to court for this. And the jurisprudential has not been favorable to Transgenders.”

“As a caveat, I may not be updated on the latest developments. But generally speaking, Philippine law doesn’t recognize LGBT rights and issues so I don’t expect he will have an easy time getting his name changed. It will set a dangerous precedent that the civil registrars and courts would probably like to avoid until such time as Congress makes its bill known about LGBT issues,” sabi ni Atty. Bong na naging kinatawan ng Ladlad Party List noon.

Mahaba pa ang proseso ng pagbabago tungo sa pagsususlong ng LGBT rights, pero magandang simula ito, at malaki ang maitutulong ng high profile na sympathetic international personality tulad ni Jake Zyrus.