KAHIT Linggo kahapon ay sinimulan na ng actress extraordinaire na si Iza Calzado ang kanyang journey to personal development through a speaking engagement called Body Love.

“It is a full day of yoga, movement, health and wellness talks and just pure and positive energy all around! I’m just kinda nervous and I’m embracing my new role as an advocate and speaker on Body Love & Positivity,” sabi ni Iza.

Iza Calzado
Iza Calzado
Noong patapos na kasi ang A Love To Last, tumanggap si Iza ng invitation mula sa mahusay at kilalang motivational speaker na si Francis Kong para maging bahagi ng speakers pool nito. Malugod itong tinanggap ni Izadora.

Maraming mga kinatawan ang bawat sektor at si Iza ang napili ng grupong nagha-handle kina John Maxwell dito sa Pilipinas para i-represent ang mga artista na nakaka-inspire ang istorya.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Iza’s story of continuous struggle from being fat to thin, from being relegated to the sideline and learning her craft and winning awards even internationally is a positive story. Magandang punto pa rin ‘yung hanggang ngayon ay patuloy ang kanyang pagsisikap na maging mahusay at mabuti sa kanyang trabaho bilang aktres at kaakibat nu’ng ang rejection at disappointments na patuloy niyang inilalagay sa maayos pespektibo.

“From passion comes productivity,” sabi ni Iza, “patuloy kong sinisikap ma-achieve sa puntong ito ay ang purpose. Kaya nga nagpapasalamat ako sa Team nina Sir Francis dahil nade-define at nalilinaw ng mga talks ko bilang motivational speaker ang aking purpose bilang aktres at tao.”

Umpisa pa lang ng talk niya kahapon sa serye ng kanyang paglilibot sa mga eskuwelahan para sa Body Love & Positivity program. Nakakasama ni Iza ang mga kaibigang sina Bianca Gonzalez-Intal at Atom Araullo.

On the showbiz front, may bagong teleserye na gustong i-pitch kay Iza na magsisimula na agad this November. At sa pelikula naman, magsisimula na ang training niya para sa isang malaking project.

Pero bago ito, magiging inspirational speaker muna si Izadora - ito na ang kanyang advocacy at purpose bilang isang makabago, mahusay at mabuting aktres.