DUBAI (AFP) – Matinding tinamaan ng pagbagsak ng kita sa langis, magpapataw na ang mayayaman sa enerhiyang mga estado sa Gulf sa susunod na taon ng value-added tax sa rehiyon na matagal nabantog bilang tax-free.

Pinuri ng ilan ang pagpapataw ng VAT na simula ng ‘’exciting, dramatic’’ na pagbabago sa rehiyon, ngunit ang hakbang ay inaasahan ding magtataas ng presyo ng mga bilihin para sa lahat ng residente, kabilang na ang mga mamamayan at mga manggagawang may mababang kita.

Nitong Linggo, dinoble ng United Arab Emirates ang presyo ng tabako at nagmahal ang halaga ng soft drink ng halos 50 porsiyento, bago ang mas pangkalahatang VAT sa mga kalakal at serbisyo sa Enero 1.

Isa ang UAE sa anim na estado ng Gulf Cooperation Council na nagkasundong magpapataw ng 5% VAT sa susunod na taon sa pagsisikap na muling pasiglahin ang ekonomiya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng UAE at Saudi Arabia na ipatutupad nila ang VAT simula sa Enero 1, 2018, habang inaasahan na kaagad ding susunod ang iba pang GCC state na Bahrain, Kuwait, Oman at Qatar.