Ni: Reggee Bonoan
NAGMUMUKMOK sa bahay nila ang aktres na hindi na yata alam kung ano ang gagawin sa career dahil hindi maganda ang resulta sa takilya ng huling pelikulang ginawa niya.
Kuwento ng isa sa mga kaibigan ng aktres na taga-showbiz din, nalulungkot daw siya sa nangyari sa movie project ng aktres at ng ka-love team nito dahil positibo naman daw lahat ang feedback pero bakit hindi ito kumita, ano raw ba ang naging problema gayong tadtad naman daw sa promo at magagandang write-ups.
Sabi sa amin ng kaibigan ng aktres, “Baka kasi wrong timing. Nagmadali kasi sila o nag-assume na hinog na ang love team nila dahil malakas sila sa social media.”
Tandang-tanda rin namin na ganito rin ang senaryo sa guwapong aktor at magandang aktres na super lakas sa social media kaya sinugalan ng kilalang movie producer, pero sumemplang sa takilya ang pelikula nila.
Hindi lang once nangyari dahil umulit pa ang producer at sinamahan ng mga sikat na artista bilang suporta, pero hindi pa rin nagtagumpay. Kaya ang nangyari, hindi na sila binigyan uli ng project maging sa telebisyon.
Going back sa aktres na namumukmok, baka kailangan niyang baguhin ang image niya o magpalit siya ng pangalan dahil hindi yata suwerte ang screen name niya.
Ang nakatataka, kahit supporting role lang ay hindi na siya kinukuha, bakit kaya?
‘Yan ang aalamin namin.