Ni: Orly L. Barcala

Patay ang isang lalaki, na sinasabing carjacker, nang pagbabarilin ng riding-ng-tandem sa labas ng bahay nito sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Wilbert Singco, 47, ng Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng mga bala ng .45 caliber sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, nagpapahangin ang biktima sa labas ng kanilang bahay, dakong 10:00 ng gabi.

Makalipas ang ilang sandali, sumulpot ang dalawang suspek na sakay sa motorsiklo at bumaba ang angkas saka walang habas na pinaputukan si Singco.

National

Hugot ni Rep. Romualdez: 'Huwag mong iyakan ang mga bagay na nawala!'

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, napagbintangan ito na nangarnap ng tricycle.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.