Ni Genalyn D. Kabiling

Mismong mga sarili niyang tauhan ang nagse-censor kay Pangulong Duterte, dahil sa kanyang pagmumura.

Sa matinding galit ng Pangulo sa alegasyong may tagong yaman siya, sinabi ng Malacañang na kinailangan nilang 41 beses na i-censor ang mga mura ng Presidente sa video ng speech na inilabas sa publiko.

Gumawa ang Radio-Television Malacañang (RTVM) ng sanitized version ng talumpati ni Duterte sa closed-door gathering sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Davao City nitong Sabado.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinalitan ng RTVM ng beep sound ang bawat mura ng Pangulo sa recording. Ang video, na nai-post sa RTVM YouTube page, ay may habang 46 na minuto at 51 segundo.

Tanging ang RTVM ang pinahintulutang mag-cover sa nasabing event.

In-edit din ng Palasyo ang transcript ng naturang speech ng Pangulo. Ang bawat mura ay pinalitan ng salitang “censored” sa transcript.

Dati, inilalabas ng RTVM ang mga speech ng Pangulo sa orihinal nitong porma. Sa official transcript, pinapalitan naman ng asterisk ang ilang letra sa bawat mura ni Duterte.