ANG Oktubre ay buwan ng Banal na Rosaryo, na ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko nang buong kasiyahan at kabanalan. Itinuturing itong mabisang armas laban sa kasamaan, at perpektong panalangin para magdulot ng kapayapaan sa mundo.
Lubhang mahalaga ang okasyon ngayong 2017 dahil sa selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng tanyag na Aparisyon ng Pinagpalang Birheng Maria sa Fatima, Portugal sa loob ng anim na magkakasunod na buwan, tuwing ika-13, simula Mayo hanggang Oktubre 1917, sa kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa.
Nangako ang Mahal na Ina na ang mga mananalangin ng Banal na Rosaryo ay magtatamo ng dakilang regalo sa pagdudulot ng pagbabagong-puso at pagbabalik-loob ng mga makasalanan, bukod pa sa maitataboy ang maraming panganib at kasamaan.
Batid ng mga nananalangin ng Rosaryo na isa itong “paulit-ulit na dasal” — at tunay nga. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan, na paulit-ulit na nagpapalitan ng “Mahal kita!”
Para sa mga Katoliko, itinuturing na perpektong panalangin ang Banal na Rosaryo dahil isa itong nakaeengganyong panalangin para sa kaligtasan ng sangkatauhan mula sa walang hanggang pagkakasala.
Gaya nga ng sinabi ng isang mananampalataya, sa pagdarasal ng Rosaryo ay “we meditate the mysteries of joy, sorrow, and glory of Jesus Christ and the Blessed Mary. It’s a simple prayer, humble so much like Mary. It’s a prayer we can all say together with Her, the Mother of God. With the Hail Mary we invite Her to pray for us. Our Lady always grants our request. She joins Her prayer to ours. Therefore, it becomes ever more useful, because what Mary asks, She always receives. Jesus can never say no to whatever His Mother asks for.”
Para naman sa yumaong Amerikanong si Archbishop Fulton Sheen, “The rosary is the book of the blind, where souls see and there enact the greatest drama of love the world has ever known; it is the book of the simple, which initiates them into mysteries and knowledge more satisfying than the education of other men; it is the book of the aged, whose eyes close upon the shadow of this world, and open on the substance of the next. The power of the rosary is beyond description.”
Tuwing Oktubre, dinadagsa ng mga deboto ang mga Simbakang Katoliko sa Pilipinas upang sama-samang magdasal ng Banal na Rosaryo para sa kapayapaan sa bansa, partikular sa panahon ngayon na ramdam ang banta ng panganib mula sa mga grupong terorista, gaya ng Abu Sayyaf at Maute Group sa Mindanao.
Sa kanyang aparisyon sa Fatima, hinimok ng Pinagpalang Birheng Maria ang sangkatauhan na talikuran ang pagkakasala at araw-araw na magdasal ng Banal na Rosaryo para sa pangmatagalang kapayapaan sa mundo. - PNA