Ni: Mary Ann Santiago

Limang katao, na pawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, ang inaresto sa buy-bust operation sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Leslie Libotan, 43; Joy Ruelan, 35; Adrian Perez, 32; Danilo Parojenog, 23; at Renato Iñiego, 38, pawang residente ng Malate.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 9, dinampot ng awtoridad ang mga suspek sa buy-bust operation sa P. Ocampo Street, sa Malate, dakong 11:00 ng gabi.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

Isang poseur-buyer ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nang makabili ng shabu, na nagkakahalaga ng P200, ay agad nang dinampot ang mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong pakete ng umano’y shabu at marked money.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.