TANGAN ang kanilang mga plaque, kinila ng FIBA ang husay ng mga natataging player at coach na kabilang sa 2017 Class of the FIBA Hall of Fame.
TANGAN ang kanilang mga plaque, kinila ng FIBA ang husay ng mga natataging player at coach na kabilang sa 2017 Class of the FIBA Hall of Fame.

MIES, Switzerland (FIBA Hall of Fame) – Kinilala nitong Sabado (Linggo sa Manila) ang 2017 Class of the FIBA Hall of Fame sa House of Basketball, FIBA’s headquarters sa Geneva.

Pitong indibidwal na nagpamalas nang kakaibang husay at karisma sa sports, gayundin sa unang pagkakataon, binigyang ng pagkilala ang isang hindi malilimot na koponan sa kasaysayan ng basketball sa Naismith Arena.

Binubuo ang 2017 Class of the FIBA Hall of Fame nina Mickey Berkowitz ng Israel, Pero Cameron ng New Zealand, Toni Kukoc ng Croatia, Eazija Mujanovic ng Bosnia and Herzegovina, Shaquille O’Neal ng USA, Valdis Valters ng Latvia at coach Dusan Ivkovic ng Serbia. Iniluklok din ang Dream Team ng US na binubuo ng pinakamahuhusay na NBA players na nagwagi ng gintong medalya sa 1991 Barcelona Olympics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It is with tremendous pride that we induct these great basketball personalities into FIBA’s Hall of Fame as the Class of 2017. They have positively impacted our sport and assisted its growth in the four corners of the world for many years. 2017 is an important year as it marks FIBA’s 85th anniversary and the 10th anniversary of the FIBA Hall of Fame. It also means it has been 25 years since the Dream Team amazed us all at the 1992 Barcelona Olympics. We normally would not induct a team into the FIBA Hall of Fame but we are making an exception for the Dream Team because of its outstanding contribution to the development of international basketball. Congratulations to all of the inductees that make up the 2017 Class of the FIBA Hall of Fame for receiving this well-deserved honor,” pahayag ni FIBA president Horacio Muratore.