Ni: Niño N. Luces
CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Namatay ang isang pulis makaraang tambangan habang nagmamaneho ng police car sa Barangay Poblacion sa Monreal, Masbate, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang biktimang si PO2 Mervin Capellan, nakatalaga sa Monreal Municipal Police, at residente rin sa nasabing munisipalidad.
Ayon sa paunang imbestigasyon, minamaneho ni Capellan ang Mahindra police car patungo sa carwash station nang pagbabarilin siya ng nasa 20 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).