Ni Marivic Awitan
MULING ipinakita ni CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University ang kanyang kahanga-hangang athleticism at leadership para sa Pirates upang makamit ang kanyang ikalawang NCAA Press Corps Chooks-to-Go Player of the Week award.
Sa pamumuno ni Perez, nagtala ng dalawang panalo ang Pirates noong nakaraang linggo, nang makakuha ng average na 20.5 puntos, 8.5 rebounds, 3.5 assists, at 2.5 steals.
Sa pinakahuli nilang panalo kontra San Sebastian College, nagtala si Perez ng career-high na 28 puntos at 10 rebounds sa kanilang 78-73 panalo, na nag-angat sa kanila sa perpekto pa ring record na 15-0.
“Kailangan talagang pagtrabahuhan ang mga ganitong bagay. Siguro lucky lang talaga ako today, maganda gising ko kaya ganun,” ang mapagkumbabang wika ni Perez.
“I appreciate how we fought,” ayon naman kay LPU Coach Topex Robinson. “We just stood our ground.”
Tinalo ni Perez para sa citation ang teammate na si MJ Ayaay, si Bong Quinto ng Letran, at si Laurenz Victoria ng Mapua.
Ang naitala ng Pirates na 15-0 panimula ay ang ikalawang best start sa liga sa nakalipas na isang dekada, kasunod ng 18-0 na naitala ng San Beda Red Lions noong Season 86.