Ni: Nitz Miralles
LAGOT si Sen. Manny Pacquiao dahil itinanggi ng social media influencer na si Arzaylea Rodriguez na siya ang nagsimula sa palitan nila ng messages sa Instagram na nai-report sa social media.
Tweet ni Arzaylea, “He came into my Instagram Live very unexpectedly. I definitely didn’t engage in conversation with him first...”
Sa interview kasi kay Sen. Manny, sinabi niya na nang i-click niya ang IG live streaming, si Arzaylea ang nakita niya at tinanong niya ng, “Where are you from?” at sinundan ‘yun ng “Hello.” Hind na alam ang iba pang messages nila sa isa’t isa.
Pero sa interview kay Sen. Manny, binanggit na si Arzaylea ang unang nakipagpalitan ng messages na idinenay nga ng 22-year-old.
Ano kaya ang masasabi ng senador sa pagde-deny ni Arzaylea?
Abangan!