Ni DINDO M. BALARES

ANG kinatawan ng Camarines Sur o ng Bicolandia na si Julia Novel Gonowon ang tinanghal na kauna-unahang Miss Millennial Philippines kahapon sa finals at coronation rites na ginanap ng Eat Bulaga sa MOA Arena, Pasay City kahapon.

JULIA copy copy

Ang Miss Millennial Philippines ay isang kakaibang beauty contest na inilunsad ng noontime show ng GMA-7 na may adbokasiyang mapaunlad ang local tourism.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Dahil millennials ang kasali, ipinagamit ng organizers sa kanila ang kani-kaniyang social media accounts upang maipakilala ang pinakamagagandang tourist destinations sa kani-kanilang probinsiya o siyudad.

Sa simula pa lang ay marami na ang pumapansin sa namumukod-tanging kagandahan ni Julia, pero lalo pa siyang lumutang nang masagot nang maayos sa katanungang ito sa question and answer portion kahapon:

“What is more important, the beauty of the place or the attitude of the people?”

“For me, the more important is the attitude of the people because we are the heart of our provinces; we are the ones who represent our provinces wherever we go. It is important to always show kindness to everyone. Because at the end of the day, it is always important to have a good heart to have a good place,” sagot ng dalagang tubong Iriga City.

Iniuwi ni Julia ang cash prize na P500,000, isang condominium unit mula sa Bria Homes, Mitsubishi Montero Sport, at korona na gawa ng jewelry designers na sina Micki Olaguer at Arnel Papa.

Bago sumali sa Miss Millennial Philippines 2017, si Julia ay tinanghal munang Miss Kaogma 2017, ang beauty contest ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur.

Ang iba pang winners ay sina Miss Millennial Ilocos Sur Dianne Irish Joy Lacayanga; 3rd runner-up si Miss Millennial Malabon Shaira Joy Dizon; 2nd runner-up si Miss Millennial Aklan Eleonora Valentina Leorenza; at 1st runner-up si Miss Millennial La Union Carina Cariño.