Catalonia's regional president, Carles Puigdemont  (AP Photo/Emilio Morenatti)
Catalonia's regional president, Carles Puigdemont (AP Photo/Emilio Morenatti)

BARCELONA (AFP) – Maaga pa lamang ng Linggo ay nakapila na ang daan-daang katao sa polling stations sa Catalonia para bumoto sa independence referendum, nanindigang dedepensahan ang kanilang karapatan na makibahagi sa botohan na ipinagbawal ng central government sa Madrid.

Sa Barcelona at Girona, ang teritoryo ni Catalan president Carles Puigdemont, ‘di inalintana ng mga tao ang maambong panahon sa madaling araw para protektahan ang polling stations.

Mariin ang pagtutol ng central government ng Spain sa botohan, na idineklarang unconstitutional ng mga korte, at ginawa ang lahat ng paraan para mapigilan ito. Ngunit determinado ang mga Catalan na marinig ang kanilang boses.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’In Catalonia, we are at the stage where we think that it’s essential to decide if we want to remain part of the Spanish state,’’ ani Pau Valls, 18-anyos na estudyante.

Sa panayam ng AFP nitong Sabado, iginiit ni Puigdemont na handa na ang lahat para matuloy ang halalan sa mayamang rehiyon, na tahanan ng 7.5 milyong mamamayan.