Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang lady driver nang aksidenteng mahulog ang kotse na minamaneho nito mula sa 5th floor parking area ng isang gusali sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Rescuers try to recover the body of a woman trapped inside her car after it was fell  and crashed from the 5th floor parking area of a building in Felix Huertas St. in Sta. Cruz, Manila on Friday night. The woman was immediately brought no nearby hospital but was declared dead on arrival. (JAY GANZON)
Rescuers try to recover the body of a woman trapped inside her car after it was fell and crashed from the 5th floor parking area of a building in Felix Huertas St. in Sta. Cruz, Manila on Friday night. The woman was immediately brought no nearby hospital but was declared dead on arrival. (JAY GANZON)

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Marie Emmanuelle Calderon, 34, call center trainee, ng 260 F. Bernardo Street, Barangay Daang-bakal, Mandaluyong City.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Sa ulat ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang aksidente sa Vertex One, Yuseco St., kanto ng Felix Huertas St., sa Sta. Cruz, dakong 11:35 ng gabi.

Sa salaysay ng testigong si Tyrone Cruz, naglalakad siya at ang kanyang kasama sa walkway nang marinig ang malakas na lagabog.

Nagdesisyon si Cruz at ang kanyang kasama na alamin ang narinig at nakitang nahulog ang isang itim na Suzuki Swift, na may conduction sticker na UD 4179, sa ground floor ng gusali, bago tuluyang bumagsak nang pataob sa walkway.

Isang batang babae ang muntik na umanong mabagsakan ng kotse, ngunit maagap itong hinatak ng kanyang ama.

Ayon sa ilang saksi, narinig pa nilang umiiyak at humihingi ng tulong ang biktima ngunit wala na itong malay nang mailabas mula sa kanyang nagkayupi-yuping kotse at hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Paatras umano ang takbo ng kotse ng biktima nang sumalpok sa harang ng parking area at tuluyang nahulog.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.