Ni REGGEE BONOAN

HINDI na bago sa pagdidirek ng pelikula si Anthony Hernandez na nalilinya sa advocacy films. Ibig sabihin, hindi pang-mainstream kundi ipinalalabas sa mga eskuwelahan sa Metro Manila at mga probinsiya.

AIKO AT DIREK ANTHONY copy

Aniya, mahirap sumabay sa mainstream lalo na kung produced ito ng malalaking outfits. Kaya pawang advocacy films ang ginagawa niya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tulad nitong New Generation Heroes na tribute ni Direk Anthony sa mga guro para sa nalalapit na World Teachers’ Day sa Oktubre 5.

Tinanong namin ang direktor kung bakit hindi niya ito isinali sa napakaraming na film festivals.

“Actually, plano po namin, kaso nag-umpisa po ‘yung movie last February ‘tapos natapos ito recently lang. Nag shoot pa kami sa Korea. Hindi rin tuluy-tuloy ang shooting namin kaya medyo natagalan. Nag-schedule kami sa availability ng mga artista,” kuwento ni Direk Anthony.

Nakakasampung pelikula na si Direk Anthony, latest itong New Generation Heroes.

Intended ito for commercial release at nagkaroon ng premiere night kagabi, Biyernes sa SM Megamall Cinema 7, produced at released ng Golden Tiger Films.

At dahil patipiran na ang pagpoprodyus, kaya tinanong namin kung nakailang shooting days siya.

“Eight to ten days shooting days ang ginagawa namin at kasi po ako kapag nag-commit ako sa producer na ito ang budget, I try to squeeze the budget for that,” sagot ni Direk.

Hindi pa man naipapalabas ang New Generation Heroes ay may kasunod na kaagad na gagawin si Direk Anthony, sa Oktubre 8 na magsisimula at ang bida niya ay si Rita Gaviola na nakilala bilang si Badjao Girl. At take note, sa Macau, China ang shooting.

Nakiusap ang direktor na saka na lang daw pag-usapan ang bagong project niya at itong New Generation Heroes muna.

Nagpapasalamat ang direktor dahil Rated PG ang ibinigay na rating ng MTRCB. Showing na sila sa Oktubre 4.

Inamin ni Direk Anthony na piling SM cinemas lang maipapalabas ang pelikula nina Aiko Melendez, Jao Mapa, Joyce Penas, at Ms. Anita Linda.

Aniya, “Hopefully this week madaragdagan pa ang mga cinema na ibibigay nila sa amin. Ang target namin is 50-100 cinemas.”

Hoping din na mabibigyan din ng slot ng Robinsons at Ayala cinemas ang The New Generation Heroes.

Sino ang pinapangarap niyang madirek pagdating ng araw?

“Sina Nora Aunor at Vilma Santos. That’s why nagbabraso ako na makapag-aral sa New York Film Academy. Naka-register na ako online at pupunta ako sa December to sign all the forms and mag-schedule na for schooling,” pahayag ng direktor.

“Actually it’s one year pero it’s up to me kung ite-take ko siya every three months na uuwi ako sa ‘Pinas o mag-stay ako roon for the whole year.”

Bakit hindi dire-diretso ang pag-aaral niya, bakit kailangang umuwi pa ng bansa every three months, hindi ba mas magastos?

“Ang plano ko po, gawa ako ng pelikula then mag-market ako ng pelikula ro’n kasi kung ang visa ko po ay student visa, hindi naman ako puwedeng mag-trabaho roon, although puwedeng mag-sideline pero ayoko, purely aral lang po talaga,” paliwanag ni Direk Anthony.

Good luck, Direk Anthony sa schooling mo at sana matupad mo ang pangarap mong mapagsama sina Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at si Ms. Nora Aunor.