Ni: Bella Gamotea

Sasailalim na sa retraining sa Lunes, Oktubre 2, ang sinibak na 1,143 tauhan ng Caloocan-National Capital Regional Police Office (Caloocan-NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde sa replacement ceremony sa Northern Police District (NPD) Headquarters.

Ang sabay-sabay na retraining ng mga sinibak na pulis ay mahigpit na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Simula 5:00 ng madaling araw, inaasahang uumpisahan ang pagsasanay ng mahigit isang libong pulis sa naturang kampo.

Matatandaang sinibak sa puwesto ang mga nasabing pulis dahil sa pagkakasangkot ng ilang kabaro sa magkakasunod na insidente ng pamamaslang at kabilang na rito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo Bagcal, gayundin ang panloloob sa bahay ng isang negosyante.