TATANGHALIN ngayong araw sa Mall of Asia Arena, Pasay City ang unang Miss Millennial Philippines winner.

Ang grand finals ng patimpalak ay kulminasyon ng tourism campaign na pinangunahan ng 38 millennials mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Miss Millennial 2017 contestants (2) copy copy

Ang tatanghaling Miss Millennial Philippines ay mananalo ng condominium unit mula sa Bria Homes, Mitsubishi Montero Sport at cash P500,000 prize, at espesyal na korona na gawa ng jewelry designers na sina Micki Olaguer at Arnel Papa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Olaguer, natatangi ang disenyo ng korona ng Miss Millennial Philippines dahil kumakatawan ito sa matatag, independent at nurturing na mga Pinay. Sumisimbolo rin ito ng pag-asa, pride at ambisyon ng millennials na maabot ang kanilang mga pangarap.

Makikita rin sa disenyo ng korona ang 38 swirls patterns na inspired ng initials at anniversary year ng show.

Ayon kay Olaguer, malaking karangalan na mapili ang kanyang disenyo at maging bahagi ng anniversary segment ng longest running noontime variety program ng bansa.

“Ang sarap isipin na binigyang-pugay nila ang ating henerasyon at binigyan nila ng oportunidad ang mga kabataan na makatulong sa kanilang mga hometowns,” sabi ni Olaguer. “Nakakatuwang isipin na hindi lamang ito pagandahan, ngunit isa itong paraan na matulungan ang mga probinsya sa pamamagitan ng programa. Masaya ako na parte ako ng segment na ito.”

Bukod sa Miss Milllenial Philippines grand finale, marami rin ang sorpresa ng naghihintay sa loyal dabarkads ngayong Sabado. Ang host na si Ryan Agoncilo at sina Alden Richards at Maine Mendoza ay naglibot mula Batanes hanggang Jolo para maipakita ang kagandahan ng bansa.

Huwag palampasin ang exciting happenings sa Eat Bulaga ngayong Sabado, simula 11:30 ng umaga sa GMA-7.