Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- St. Benilde vs UST (men’s)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

10 n.u. -- Ateneo vs National U (men’s)

1 n.h. -- Arellano vs UP (women’s)

4 n.h. -- St. Benilde vs TIP (women’s)

6:30 n.g. -- National U vs Ateneo (women’s)

NAKATAYA ang unang slots sa Final Four sa Group A sa paghaharap ng National University at Ateneo, habang magtutuos ang University of the Philippines at Arellano University para sa ikalawang upuan sa semifinals ng Group B ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Benilde's Rene Sta. Maria (right) blocks Mapua's Laurenz Victoria during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 28, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Benilde's Rene Sta. Maria (right) blocks Mapua's Laurenz Victoria during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 28, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Tatangkain ng Lady Bulldogs na makumpleto ang sweep sa kanilang grupo sa laban kontra Lady Eagles (3-1) ganap na 6:30 ng gabi.

Magkakaharap naman angf Lady Maroons at Lady Chiefs ganap na 1:00 ng hapon kung saan ang mananalo ay makakasama ng nauna nang pumasok na unbeaten Adamson Lady Falcons (4-0) sa crossover semis na susundan ng salpukan nang nasibak ng St. Benilde at Technological Institute of the Philippines (TIP) na kapwa winless matapos ang tig-apat na laro ganap na 4:00 ng hapon.

Sasandigan ng National University ang solido nilang roster sa pangunguna nina Jaja Santiago, playmaker Jasmine Nabor, Risa Sato ,Aiko Urdas at Jorelle Singh.

Tatapatan naman sila ng Lady Eagles na pangungunahan nina Kat Tolentino, Jhoana Maraguinot, Juliane Samonte, Bea de Leon at Pauline Gaston.

Sa men’s division , target din ng Ateneo ang sweep sa pagtutuos nila ng National University ganap na 10:00 ng umaga habang tatangkain ng UST na makopo ang fourth semis berth sa pagsabak kontra St. Benilde ganap na 8:00 ng umaga.