Ni: Reggee Bonoan

NAKAKATAKOT sumikat ang isang struggling actor na kahit wala pang napapatunayan ay nuknukan na ng yabang at sobra ang bilib sa sarili.

Ikinukumpara pala ng struggling actor ang sarili sa isa ring aktor na kasabayan niya sa teatro. Bakit daw mas nauna pang magkaroon ng maraming projects, e, hindi naman daw kagalingang umarte.

Bagamat hindi naman binanggit ng struggling actor na mas magaling siyang umarte kaysa sa kinaiinggitan niyang aktor, sa tono ng pananalita niya ito na mismo ang gusto niyang sabihin.

Tsika at Intriga

Nawawalang VMX star na si Karen Lopez, 'nagpahinga' lang

Ang kinaiinggitang aktor ay kaliwa’t kanan ang TV/movie projects ngayon at higit sa lahat, nagbida na sa pelikula.

Himutok nitong inggiterong aktor, hindi na nga raw niya nakakausap ang kasabayang aktor dahil hindi na sila nagkikita tulad noon na gumigimik pa sila.

E, kasi nga bisi-bisihan ang kinaiinggitan niya. Siya, wala pa namang pinagkakaabalahan. Pero ang drama niya sa mga taong tumutulong sa kanya ay bising-bisi siya.

Mukhang nagha-hallucinate ang struggling actor sa drama niyang bising-bisi siya dahil nang tanungin ang namamahala sa career niya, ang sabi, “Ay, hindi naman po ganu’n ka-busy, actually naghahanap nga po kami ng raket. ‘Yung movie na ginawa niya, two-day shoot lang naman po ‘yun, cameo role lang.”

Aysus, itong si struggling actor kung makaawra naman sa sarili, waley naman pala. Actually, napanood namin ang pelikulang sinasabing two-day shoot lang siya, kahit sino puwedeng gumanap sa papel niya dahil hindi nga kalakihan.

Baka kasi hindi naman kailangan ng malaking pangalan kaya siya ang kinuha.