Ni NOEL FEREER

ILANG araw ring nawala si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. Ganoon din sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ngayong weekend, mapapanood ang kanilang pinagkaabalahan sa paglilibot sa buong Pilipinas the past few days which will be premiered sa kanilang bagong OBB sa Eat Bulaga.

RYAN copy

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Si Alden ang nakatoka sa Batanes. Si Maine ay pumunta sa Tacloban, Leyte. Nilibot naman ni Ryan ang Jolo na hindi usually napupuntahan.

Kinuwentuhan ako ni Ryan sa kakaibang experience niya sa Jolo. War-torn talaga ang lugar, pero nang makita sila ng mga tao na taga-Eat Bulaga, masaya at mabait ang pakitungo ng mga tao sa kanya.

“Salamat na lang kay Bullet Jalosjos at ang mga tao nito na nag-estima at nag-alaga sa amin, ibang klase ang experience na mapuntahan ang dating kinakanta lang na lyrics ng theme song namin,” sabi ni Ryan.

Dulo’t dulo ng Pilipinas ang kanilang nilibot para lang patotohanan ang kanilang theme song na “Mula Batanes hanggang Jolo, saan ka man ay halina tayo. Isang libo’t isang tuwa, buong bansa, Eat Bulaga!” At least may truth in advertising daw, in fairness!

Ipapalabas ang kinunang footage at ang bagong program ID coinciding sa grand finals ng Miss Millennial 2017 sa MOA Arena bukas.