Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. -- TNT Katropa vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MALUSUTAN kaya ng second seed TNT Katropa ang upset na nakaamba mula sa 7th seed Rain or Shine?

Mabibigyan ng kasakutang ang isyu sa paghaharap ng dalawang koponan sa rubbermatch ng kanilang quarterfinals duel sa 2017 PBA Governors Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Naitakda ang naturang laro matapos burahin ng Elasto Painters ang taglay na twice-to-beat incentive ng Katropa sa pamamagitan ng 106-102 panalo nitong Miyerkules.

“I just told the players before the game that for them, they’re allowed to lose the game and us, we have to win for us to survive,” pahayag ni RoS coach Caloy Garcia pagkatapos maipuwersa ang do-or-die game.

“I told them from the beginning we’ve have a good match-up against TNT.”

Naniniwala si Garcia na dahil hindi sila nagkakalayo ng sistema ng Katropa, magkakatalo na lamang sila sa depensa.

Muli niyang sasandigan upang pamunuan ang Elasto sina import J’Nathan Bullock na umiskor ng 31 puntos at 15 rebounds, gayundin sina Gabe Norwood at Raymond Almazan.