Ni: Rommel P. Tabbad

Isa pang dating kongresista sa Caloocan City ang pinasasampahan ng patung-patong na kasong kriminal dahil sa umano’y pagkakadawit nito sa P10-milyong pork barrel fund scam noong 2009.

Pinakakasuhan si dating Caloocan 2nd District Rep. Mari Mitzi Cajayon ng 2 counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), one count ng Malversation at one count of Malversation thru Falsification of Public Documents.

Pinakakasuhan din ang mga kasabwat nitong sina Cenon Mayor ng Kaloocan Assistance Council, Inc. (KACI), dating DSWD Secretary Esperanza Cabral, Undersecretary Mateo Montaño, Assistant Secretary Vilma Cabrera, Chief Accountant Leonila Hayahay, at Assistant Director Pacita Sarino.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez