Ni: PNA

MAHIGIT isang taon na ang nakalipas nang lagdaan ang Executive Order No. 2, o ang Right to Information. Gayunman, hindi pa rin naipapasa ng Kongreso ang Freedom of Information (FOI) Bill. Ano nga ba ang nauunawaan ng publiko at ng mga ahensiya ng gobyerno sa FOI at sa Right to Information?

Matatandaang Hulyo 2016 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 2, “Operationalizing in the Executive Branch of the People’s Constitutional Right to Information and the State Policies to Full Public Disclosure and Transparency in the Public Service and Providing Guidelines Therefore”.

Nitong Miyerkules, nag-organisa ng workshop ang Presidential Communications Operations Office at ang “Right to Know.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Right Now! Coalition” upang talakayin at bigyang linaw ang ilang usapin sa FOI, at magpahayag na rin ng kani-kanilang kuro-kuro kaugnay ng estado at planong pagpapatupad nito. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Halimbawa, may karapatan ang publiko na hilingin at makita ang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth ng mga opisyal ng gobyerno. Ngunit hanggang saan nga ba ang maaaring idetalye sa publiko? Paano matitiyak na hindi nalalabag ang Right to Privacy o ang Data Privacy Act?

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kristian Ablan, ito ang pangunahing pangamba ng mga opisyal ng pamahalaan sa paglalabas ng kani-kanilang SALN o mga Personal Data Sheet.

Kailangang pagsama-samahin ang pitong SALN repository agency sa bansa, aniya.

Karamihan sa mga ahensiyang ito, aniya, ay nag-redact—o nagkubli ng impormasyon sa pagtatakip dito—ng mga pangalan ng mga anak nilang menor de edad, gayundin ang address ng opisyal. Paano naman ang iba?

Kaya naman, ayon kay Ablan, hiniling ng Presidential Communications Operations Office ang tulong ni National Privacy Commissioner Raymond Liboro upang magtakda ng mga panuntunan sa usapin.

Ayon sa National Privacy Commission, dapat na wastong magkaugnay ang Right to Information at Data Privacy Act.

Sa isang pahayag kamakailan, sinabi ni Liboro na hindi layunin ng Data Privacy Act na pagbawalan ang access sa mga personal na impormasyon, kung hindi isulong ang responsable at naaayon sa batas na paggamit sa mga personal na impormasyon.