Ni: Liezle Basa Iñigo

Sampung katao ang inaresto sa umano’y pag-torture at pambubugbog sa dalawang katao kasunod ng rambulan sa Barangay 20 sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon kay Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City Police, pinagdadampot ang mga suspek mula sa iba’t ibang barangay na kinilalang sina Dennis Agustin, 33; Jomel Dumbrique, 27; Anthony John Bariuan, 32, pawang taga-Bgy. 19, Laoag.

Arestado rin sina Ericson Padaca, 47; Christian Daryl Gagarin, 27; Devon Mark Tolentino; Terence Gagarin, 23; Mark Padaca, 36; Jamaica Tagudin, 23, ng Bgy. 20, Laoag; at Michael Benjamin Nolasco, ng Bgy. 21, Laoag, sa kasong frustrated homicide.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay Supt. Balles, dinakip ang 10 sa kinasangkutang insidente noong Abril 30, 2017, bandang 12:30 ng umaga, nang mauwi sa pambubugbog kina Daryl Tejada at Allan Reclusado ang rambulan sa Bgy. 20.