Ni NITZ MIRALLES

ANG Birdshot ng TBA Studios ang contender ng Pilipinas sa foreign-language section ng 2018 Academy Awards o Oscars.

Ang nabanggit na pelikula ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) na entry sa Oscars.

Masayang-masayang nagpasalamat sa FAP ang 24 year-old director ng pelikula na si Mikhael Red: “What a spectacular turn of events. I’m thankful to FAP for giving us the opportunity to represent our country as well as Birdshot family, for being patient and determined while creating a substantial and well-crafted film... I hope TBA Studios continous to encourage young storyrellers to create uncompromising films. May they continue to pave the way to a bright future for Philippine cinema,” sabi ng director sa statement ng TBA Studios.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Birdshot9 copy

Nagpahayag din ng pasasalamat ang executive producers ng TBA Studios na sina Fernando Ortigas at E.A. Rocha: “We are so honored that Birdshot has been given this distinction. Like Mikhael, we can’t wait to embark on this new journey for this amazing film.”

Mystery thriller ang genre ng pelikula na nagtatampok kina John Arcilla, Arnold Reyes, Ku Aquino, at Mary Joy Apostol na ang pinakabuod ay nang mabaril at mapatay ni Maya (Mary Joy) ang endangered Philippine eagle at ang kaso ng pagkawala ng bus at pati ang mga sakay nito.

Maganda ang pelikula, maraming ipinapakitang problema sa pulisya at kung bakit may mga kasong hindi nalulutas. Ito ang pelikulang napamura kami sa ending.

Sigurado kaming ganoon din ang epekto ng ending sa iba pang mga nakapanood na ng Birdshot.

Nanalo na ito bilang Best Asian Future Film sa 2016 Tokyo International Film Festival, naging opening film sa 2017 Cinemalaya at isa sa mga entry sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino nitong nakaraang Agosto.

Initially the committee was evenly split between “Birdshot” and “Sunday Beauty Queen.” That required Jose N. Carreon as chairman to cast a deciding vote.

Ang iba pang mga pelikulang pinagpilian ng FAP ay ang Die Beautiful ni Jun Lana, 1st Sem nina Dexter Hernandez at Allan Ibanez, Ang Araw sa Likod Mo ni Dominic Nuesa, Kita Kita ni Sigrid Bernardo, Ang Manananggal sa Unit 23B ni Prime Cruz, Patay na si Hesus ni Victor Villanueva, Triptiko ni Miguel Franco Micelena, at ang Sunday Beauty Queen ni Baby Ruth Villarama na naka-tie ng Birdshot sa unang pilian. Kinailangang bumoto ng chairman na si Jose N. Carreon para ma-break ang tie.