Ni: Noel Ferrer
ANO ba ang meron sa November 1st playdate at tatlong pelikula ang nagsisiksikan sa release date na iyon?
Originally, ang naka-schedule doon ay ang pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla directed by Cathy Garcia-Molina mula sa Star Cinema, ‘tapos nandu’n din ang This Time I’ll Be Sweeter nina Barbie Forteza at Ken Chan directed by Joel Lamangan mula sa Regal at GMA Films at ang Spirit of The Glass 2 nina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Maxine Medina and Benjamin Alves among others directed by Jose Javier Reyes mula sa OctoArts Films.
Pero hindi pa nagsisimula ang pelikula nina Shawie dahil tinatapos pa ngayon ni Direk Cathy ang Seven Sundays, kaya naisip ng Star Cinema na ilabas na ang Ghost Bride ni Direk Chito Roño in place of the Mega-Binoe project.
Paano na ito ngayon, dalawang horror ang magtatapat sa iisang playdate at tiyak mag-aagawan sila ng mga sinehan.
Bakit hindi na lang isali ang horror film sa Metro Manila Film Festival?
In fact, nai-submit na ang scripts ng Ghost Bride at Spirit of The Glass 2 sa MMFF pero hindi ito nakasali sa unang apat na napili -- pero parehong eligible sa finished film submission na ang deadline ay hanggang end of October.
The only thing going against Ghost Bride starring Kim Chiu is that Star Cinema, although not totally a disclosed done deal yet, may be involved in two MMFF projects already kung matuloy man ang negotiation nila with Ang Panday of Coco Martin. We all know na kasama ang Star Cinema na producer din ng Vice Ganda-Pia Wurtzbach-Daniel Padilla movie na.
(Na-publicize din actually na posibleng Star Cinema rin ang mag-release sa Larawan. Kaya ibang issue pa ‘yan sakaling ipasok ulit ang Larawan bilang finished film entry na siyang sinasabi nina Celeste Legaspi, Rachel Alejandro at Tita Girlie Rodis na executive producers ng pelikula.)
May rule kasi ang MMFF na a producer may be involved in a maximum of 2 entries only plus the director may only have one project in the festival.
Chito Roño has another project, ang drama na Bagtik na maaari ring i-submit bilang finished film.
Ang Octo Arts naman ay meron nang MMFF entry, ang Meant To Beh with Vic Sotto and Dawn Zulueta kaya puwede pa silang mag-submit ng isa pang entry.
Pero nang makausap ko si Boss Orly Ilacad, kasado na siya dapat sa November 1 playdate para sa Spirit of The Glass 2 at naka-schedule na sila sa pag-attend ng Halloween parties at okay na sana sila sa stand alone playdate (walang ibang kasabay na mga pelikula).
But with this thing happening now, sino kaya ang mag-a-adjust at magbibigay?
Abangan natin ang mga susunod na galawan ng playdate ng mga pelikula. Sana magsuportahan na lang at magbigayan para lahat ay mapanood ng mas maraming audiences at kumita.