Ni REGGEE BONOAN

NAPAKALAKI ng nagawa ng The Greatest Love (TGL) sa buhay at career ni Sylvia Sanchez. Ilang buwan nang tapos umere ang programa pero hindi pa rin natatapos ang pagtanggap niya ng awards.

SYLVIA_ copy

Nitong nakaraang Lunes, sinadya si Ibyang ng PEP Editorial team sa Bacoor, Cavite para personal na abutan ng plaque sa pagkakapanalo niya sa PEP LIST Year 4 Editors’ Choice for Teleserye Actress of the Year para sa performance niya sa serye.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Ang pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakakataba ng puso. #kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat to my #abscbn#gmounit #tglfamily para sa ating lahat to salamat sa inyong lahat,” simula ni Ibyang sa kanyang post sa social media.

“Sa ’yo, Art (Atayde) at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag-iintindi, pagmamahal at suporta. Kayo ang inspirasyon ko. Love you, my fambam.

“Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga surpresa mo, binabalik ko po sa’yo ang papuri maraming, maramin g salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear #peplistyear4 #family #happiness #blessed#treasures #priceless #beautedermskinhauz #beautedermphilippines#beautedermambassadress #thankuLORD.

Have a blessed day!! @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels Yahoooooo.”

Nakatunggali ni Ibyang sa naturang kategorya sina Glaiza de Castro (Encantadia), Julia Montes (Doble Kara), Lovi Poe (Someone To Watch Over Me) at Regine Velasquez (Poor Señorita).

Nanalo rin ang TGL ng Editors’ Choice for Daytime Series of the Year award at tinalo ang mga programang Doble Kara (ABS-CBN), Sinungaling Mong Puso (GMA-7), The Millionaire’s Wife (GMA-7), at Tubig at Langis (ABS-CBN). Ang executive producer ng TGL na si Ms. Marielle de Guzman-Navarro ang tumanggap ng award.

“After siguro mga five months na nakalipas, hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin kami ng awards. Sobra siyang overwhelming, so thank you to everyone, yun lang po,” sabi ni Ms. Navarro.

“Basta ako, isa lang masasabi ko, ibang klase ka, Gloria,” sabi naman ni Ibyang. “Malaki ang binago mo sa buhay ko, and salamat, Gloria Alcantara.”

Winner din si Dimples Romana bilang Teleserye Supporting Actress of the Year sa napakahusay na pagganap bilang anak na pasaway na si Amanda sa TGL.

Fruitful ang taong 2017 kay Ibyang, sunud-sunod ang blessings, awards at projects na dumating sa kanya kaya abut-abot ang pasalamat niya sa Panginoong Diyos at sa lahat ng mga taong tumulong at nagtitiwala sa kanya.

Pagkatapos ng guesting sa Kapamilya: Deal or No Deal na halos kasabay ng TGL, nag-guest naman siya sa La Luna Sangre.

Katatapos lang i-shoot ng indie film na ‘Nay under Cinema One Originals (ipapalabas ngayong Nobyembre) at ginagawa naman niya ang pelikulang Mama’s Girl under Regal Entertainment, at nagti-taping na rin para sa serye nila ni Arjo Atayde na wala pang titulo.

You cannot argue with success, wika nga. Tulad ni Boy Abunda, marami ring hirap na dinanas si Sylvia Sanchez bago narating ang kinaroroonan ngayon.

Hmmm, kailan naman kaya susulat ng libro si Ibyang para ikuwento ang istorya ng buhay niya?