Ni NORA CALDERON

NA-EXCITE ang Korean actor na si Alexander Lee na bukod sa out-of-town mall shows nila ni Heart Evangelista to promote their romantic-comedy series na My Korean Jagiya ay iba’t ibang lugar din sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya ang location ng kanilang taping.

HEART AT ALEXANDER copy

Pero mas na-excite siya nang malamang itatampok sa serye ang Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan. Nandoon kasi ang fine showcase of Filipino heritage and culture, lalo na sa architecture. Isa na itong refined resort of reconstructed 18th-century village with a beach, dining and cultural tours. Sa ngayon ay dinarayo na local at foreign tourists ang lugar.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kaya naka-Filipino costume sina Heart at Alexander nang mag-taping sila roon.

Excited din si Direk Mark Reyes at agad na nag-post sa Instagram.

“Been wanting to shoot an iconic Venetian inspired lover’s scene riding a gondola in the canals of Venetia. Here, @iamhearte and @xdander0729 ride a raft in man made canals of #lascasasacuzar.”

Nagustuhan din ito ng viewers at nag-trending ang episode na nagpunta ang mag-anak ni Gia (Heart) at si Madame Chairman, ina ni Jun Ho (Xander) sa isang out-of-town vacation bago bumalik ng Korea si Madame. Sponsored ito ng bagong kasal na sina Gia at Jun Ho, isa ring celebration dahil natutuhan na ring mahalin ni Jun Ho si Gia.

Nag-enjoy ang buong cast dahil ang dami nilang napasyalan sa lugar na binubuo ng iba’t ibang bahay mula sa Manila at sa iba’t iba pang mga lugar sa bansa na dinala roon para ma-reconstruct.

Sa pagbabalik sa Manila ng mga nagbakasyon, maging tahimik na kaya ang pagsasama nina Gia at Jun Ho, kasama ang pamangkin ni Jun Ho na si Pao? So in love na kasi sila sa isa’t isa. Hindi na kaya sila guguluhin ni Cindy, ang tunay na ina ni Pao? Ano ang mangyayari sa pag-aagawa nina Tita Josie (Ricky Davao) at Tita Aida (Janice de Belen) sa iisang lalaking nagpapatibok sa kanilang puso -- si Dodong (Raymart Santiago)?

Napapanood ang My Korean Jagiya gabi-gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood 2 sa GMA-7.