WALANG makasalang sa defending three-time champion National University.
Nahila ng Lady Bulldogs ang basketball immortality sa 53 sunod na panalo nang pabagsakin ang Far Eastern University, 71-48, kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Nag-ambag si Ria Nabalan ng 15 puntos, habang kumana si Rhena Itesi ng 14 puntos at 14 boards, habang kumubra si Jack Daniel Animam ng 11 puntos, 23 rebounds at anim na blocks para sa Lady Bulldogs (5-0) ngayong season.
Sinandigan nina Jem Angeles sa naiskor na 20 puntos at Sai Larosa na kumana ng 14 puntos, siya na rebounds at tatlong assists sa panalo ng University of Santo Tomas, 71-65, kontra Ateneo.
Umusad ang Tigresses sa solong ikalawang puesto (4-1).