Ni: Fer Taboy

Inaresto kahapon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa umanong illegal recruiter sa Makati City.

Kinilala ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit ang suspek na si Rosalie Martin Fadera, nasa hustong gulang, ng Pulo, San Rafael, Bulacan.

Ayon sa CIDG, nag-ugat ang operasyon laban sa suspek sa natanggap na report na nanghihingi umano si Fadera ng P100,000, bilang processing fee, sa mga aplikanteng nagnanais ng magtrabaho sa Japan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakipag-ugnayan ang mga biktima sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at nadiskubreng hindi lisensiyadong recruiter ang suspek at isinumbong sa pulisya.

Agad dinakma ng awtoridad si Fadera sa aktong tinatanggap ang P50,000 sa ikinasang operasyon laban sa kanya.