Ni GENALYN D. KABILING

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto kung may makapagpapatunay na mayroon siyang itinatagong nakaw na yaman sa Hong Kong.

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 120th founding anniversary of the Department of Justice (DOJ) at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City on September 26, 2017, reiterates that he is poised to fulfill his promise of addressing the issues of illegal drugs, crime and corruption. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during the 120th founding anniversary of the Department of Justice (DOJ) at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City on September 26, 2017, reiterates that he is poised to fulfill his promise of addressing the issues of illegal drugs, crime and corruption. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO

Ito ang hamon ng Pangulo sa muli niyang pagdepensa sa pinagmulan ng yaman ng kanyang pamilya na iginiit niyang nanggaling sa lehitimong paraan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Baka may makaturo lang niyan totoo na meron akong deposit maski one dollar diyan sa Hong Kong, I will step down as President of this Republic,” hamon ni Duterte sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Department of Justice nitong Martes ng gabi.

Tinawag ni Duterte na “bull sh*t” ang mga alegasyon na mayroon siyang P211 milyon ill-gotten wealth sa mga sekretong bank accounts. Sinabi niya na naglabas siya ng bank waiver upang pasinungalingan ang mga alegasyon ng mga diumano’y tagong yaman niya ngunit hindi ito ginamit ng kanyang mga kritiko noong panahon ng kampanya sa panguluhan.

Kaugnay naman sa yaman ng kanyang pamilya, ipinaliwanag ng Pangulo na naging milyonaryo siya sa batang edad dahil sa ipinamana ng kanyang mga magulang.

Upang patunayan ang kanyang mga sinasabi, binigyan ni Duterte ng awtorisasyon ang publiko na kalkalin ang records ng Insular Bank of Asia and America, ngayon ay Union Bank, upang makita ang kanyang mga lumang bank transactions.

“You’d find there that ‘yung fourth year pa kami, I had a million already. ‘Yan ang totoo,” aniya.

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Duterte na hindi isiniwalat ang P211 milyon sa kanyang back account sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth noong 2014. Nang mga panahong iyon ang ipinapakitang net worth ni Duterte ay P21.97 milyon lamang.

Kalaunan ay inakusahan ni Trillanes ang Pangulo na mayroong mahigit P2 bilyon sa mga tagong bank accounts mula 2006 hanggang 2015.

Paulit-ulit na itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon.