Ni: Bert De Guzman

Ipinasa ng House Subcommittee on Prosecutorial Reforms nitong Martes ang panukalang nagpapawalang-saysay sa lumang batas sa hazing.

Batay sa panukala, magiging kasong kriminal na ang hazing at pananagutin ang mga opisyal ng fraternity sa pagkabalda o pagkamatay ng neophyte member.

Inihain ni Rep. Bernadette Herrera-Dy (Party-list, Bagong Henerasyon) ang House Bill 3467 kasunod ng imbestigasyon ng Kongreso sa pagkamatay ni Horacio Castillo III, freshman law student sa University of Santo Tomas UST, dahil sa hazing ng Aegis Juris fraternity.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang HB3467 ay may titulong “An Act Prohibiting Hazing And Regulating Other Forms Of Initiations Rites Of Fraternities And Sororities And Other Organizations And Providing Penalties For Violation Thereof, Repealing For The Purpose Of Republic Act No. 8049.”

“The main difference is that in RA 8049, we are regulating hazing while in the bill, we are proposing to completely prohibit any form of hazing,” ani Herrera-Dy.