Mga Laro Ngayon

(Fil-Oil Flying V Center)

12 n.t. -- St. Benilde vs Mapua (jrs/srs)

4 n.h. -- San Beda vs Arellano (srs/jrs)

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

DANGAL at karangalan na lamang ang pinanghahawakan ng Arellano University sa No.2 seed at defending champion San Beda College sa muli nilang pagtatagpo ngayon sa second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan.

Tangan ang 5-8 karta at nasa malayong ikapitong puwesto sa team standings, inaasahang magpapamalas ng tapang ang Chiefs laban sa Red Lions (12-1) sa kanilang duwelo sa 4:00 ng hapon.

Wala nang dapat pang patunayan ang San Beda na sigurado na sa No.2 spot at twice-to-beat advantage sa Finals Four.

Nasa unahan ang walang talong Lyceum of the Philippines Pirates (14-0).

Napanatili ng Pirates ang malinis na karta nang pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College, 86-74, nitong Martes.

Magkasosyo naman sa ikatlo hanggang ikaapat na puwesto ang Jose Rizal University (7-6), at San Sebastian College (7-6), kasunod ang Letran (7-7) at Emilio Aguinaldo College (6-8).

Sa laro nang mga sibak nang koponan, magtutuos ang St. Benilde at Mapua a alas 2 ng hapon.

Iskor:

LPU (86) - Ayaay 15, Perez 13, Marcelino, Jc. 11, Caduyac 9, Marcelino, Jv 7, Tansingco 7, Cinco 5, Baltazar 2, Ibanez 2, Santos 2, Liwag 2, Marata 0

EAC (74) - Garcia 17, Onwubere 15, Munsayac 9, Tampoc 8, Bugarin 6, Guzman 5, Diego 4, Mendoza 3, Corilla 3, Neri 2, J. Mendoza 2, Pascua 0

Quarterscores: 29-19; 54-39; 74-59; 86-74