Ni: PNA

MAGTATAYO ng regional blood center sa bagong Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) complex, ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Department of Health-Region 8 Director Minerva Molon sa isang panayam na itatayo ang proyektong pinondohan ng gobyerno sa 5,000-square meter na lupaing pag-aari ng kagawaran sa Barangay Cabalawan sa Tacloban City, Leyte.

“A usufruct agreement was already signed between officials of the regional office and the central office allowing us to use the property for 50 years and subject for renewal,” lahad ni Molon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sisiguraduhin ng pasilidad na sapat ang supply ng dugo sa rehiyon, bilang suporta sa pandaigdigang pangangalaga sa kalusugan, gayundin ang kasapatan ng pangangalagang pangkalusugan sa Eastern Visayas.

Aabot sa 40,000 units ng dugo ang kailangan bilang reserba para sa mahigit apat na milyong populasyon sa rehiyon, o isang porsiyento ng kabuuang populasyon ng rehiyon ang regular na magdo-donate ng dugo.

Sa kasalukuyan, nangongolekta ang Eastern Visayas ng aabot sa 8,000 blood units sa isang taon. Ang isang unit ng dugo ay katumbas ng isang pint o 450 milliliters.

Kapag magagamit na ang pasilidad, mangongolekta ang center ng dugo mula sa walk-in donors upang masigurong sapat ang supply nito sa rehiyon para sa mga biglaang insidente, kaya mababawasan ang isasagawang bloodletting activities.

Upang makatupad sa pangangailangan sa dugo sa rehiyon, sinabi ni Molon na isa sa kanilang mga adbokasiya ang kumbinsihin ang mga mister ng mga buntis na magbigay ng dugo para sa posibilidad ng paggamit nito sa panganganak ng kanilang mga maybahay.

“Our advocacy to them is very strong because blood is very important when their wife is having problem on the delivery of their child. The husband’s blood can save the life of his wife,” ani Molon.

Idinagdag pa niyang bukod sa blood center, magtatayo rin ang Department of Health ng tanggapan nito sa rehiyon sa loob ng EVRMC complex, katabi ng cancer center at ng administrative building.