Ni: Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac – Patay ang isang lalaki makaraang barilin sa dibdib ng nakapikunan niya sa inuman sa Purok Bayanihan sa Barangay Marawi, Camiling, Tarlac.

Ayon sa police report, hindi na umabot nang buhay sa Señor Sto. Niño Hospital si Noel Sabiniano, 38, ng nasabing barangay na nagtamo ng malubhang tama sa dibdib.

Nakatakas at pinaghahanap na ngayon si Diony Yacas, nasa hustong gulang, ng Purok Sagana, Bgy. Marawi.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Dakong 8:15 ng gabi at nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ilan pa nilang kaibigan sa bahay ni Jonathan Yacas nang biglang magtalo sina Diony at Sabiniano na nauwi sa sigawan.

Ayon sa report, umuwi ng bahay si Diony at pagbalik sa inuman ay binaril sa dibdib ang biktima.