Ni: Noel Ferrer

TATLONG bagong television programs ang nasubaybayan namin ang pagsisimula nitong mga nakaraang araw.

Nitong nakaraang Linggo ang pilot episode ng Bossing and Ai hosted by Vic Sotto at Ai Ai delas Alas with a debate-like format kasama sina Jose Manalo at Tart Carlos with Judge Teri Onor and moderator Oyo Sotto.

YOUNGER CAST NG 'THE GOOD SON' copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Medyo luma na ang format pati ang topic sa parang battle of the sexes. Sayang, because I’m sure Vic and Ai Ai can do so much more kaysa maupo lang sa silya nila most of the time just reacting to the antics of their sidekicks.

Nag-pilot din last Monday ang The Lolas Beautiful Show nina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros bago ang Eat Bulaga and they had no less Nora Aunor as guest.

In fairness, nakakatuwa si Ate Guy na game na game sa ginawang acting challenge. But instead of soliciting good talk from her, naging busy ang hosts sa pagpapatalbugan sa pagpapatawa, kaya tuloy naubos ang oras sa banter nila tungkol sa kanilang sarili, kaysa sa pagkausap kay Ate Guy.

Aabangan natin ang improvements sa nasabing show dahil obvious namang nanganganay pa sila.

These two shows of Vic and Ai Ai plus the three lolas are welcome addition sa mga talk-comedy shows na puwedeng pag-guest-an ng mga artista. Sana lang gandahan pa nila ang kanilang treatment at pag-feature sa guests.

Ang isang pulidong pilot ay ang teleseryeng The Good Son na kuhang-kuha ang overview ng kuwento ng isang ama na may dalawang pamilya na namatay pagkatapos magdiwang ng kaarawan.

Pawang mahuhusay ang mga artistang gumanap from Mylene Dizon to Eula Valdes bilang dalawang babae sa buhay ni Albert Martinez, pati na sina Liza Lorena, Ronnie Lazaro at John Estrada at maging ang mga batang aktor na sina Nash Aguas, Jerome Ponce, McCoy de Leon at Joshua Garcia ay aabangan mo talaga dahil interesting ang storytelling at ang brewing na family conflict.

Sana masustain nila ang mala-pelikulang look ng bagong teleseryeng ito.