Ni: Danny J. Estacio

LOS BAÑOS, Laguna – Isang bagitong pulis ang binawian ng buhay sa ospital makaraang mapatid ang zip line at makaladkad siya nito sa ilalim ng Crocodile Lake sa Laresio Resort sa Barangay Tadlac, Los Baños, Laguna, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala sa mga report ang nasawing si PO1 Andrew Escober Tamayo, 32, binata, nakatalaga sa Los Baños Municipal Police, at residente ng Bgy. Bayog sa Los Baños.

Namatay siya sa Healthserv Medical Center bandang 8:00 ng gabi nitong Lunes, ayon sa hepe niyang si Supt. Arvin Avelino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Batay sa imbestigasyon, dakong 4:00 ng hapon nitong Lunes nang mag-zip line si Tamayo sa nasabing resort.

Base sa salaysay ng operation supervisor ng resort na si Nino San Antonio, 39, may-asawa, at taga-Tikay, Malolos, Bulacan, may suot na life vest at protective headgear ang pulis nang mangyari ang insidente.

Nabatid na nagpapadausdos sa zip line si Tamayo, sa 10-20 metrong tension wire, nang bigla itong maputol at nakaladkad ang pulis sa ilalim ng Crocodile Lake.

Inabot ng 10-15 minuto bago na-rescue ng mga life guard si Tamayo.