Ni: Marivic Awitan

PAREHAS na naitala ng girls titleholder National University at University of Santo Tomas ang ikaapat na sunod na panalo sa UAAP Season 80 high school volleyball tournament nitong Lunes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tinalo ng Lady Bullpups ang Far Eastern University-Diliman, 25-14, 25-18, 25-8, habang ginapi ng Junior Tigresses ang University of the East, 25-14, 25-23, 25-12.

Sa boys division, nanatili naman sa unang dalawang puwesto ang defending champion NU at UST matapos magsipagtala ng straight sets win sa nakaraan nilang mga laro.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Nakalusot ang Bullpups sa matinding hamon sa second set ng De La Salle-Zobel, para maiposte ang 25-14, 28-26, 25-20 na tagumpay habang winalis naman ng Tiger Cubs ang Adamson University, 25-18, 25-16, 25-13.

Ang panalo ang ikaapat na sunod para sa NU habang umangat naman ang UST sa markang 3-1.