SA muling pagbabalik ng RGMA Pera Sopresa simula Setyembre 25, maagang pamasko ang handog ng Radio GMA para sa masusuwerteng mananalo nationwide.

 

Sa loob ng walong linggo, ang nationwide proof-of-purchase (POP) promo ay bubunot ng labindalawang mananalo ng P1,500 each sa bawat 15 RGMA areas (Manila, Baguio, Dagupan, Legazpi, Lucena, Naga, Palawan, Tuguegarao, Bacolod, Cebu, Kalibo, Iloilo, Cagayan de Oro, Davao, at General Santos). Bukod sa weekly winners, magkakaroon pa ng labinlimang bonus prize winners na makatatanggap ng P10,000 each, at may anim na winners namang makakatanggap ng tig-P5,000.

Tuwing Miyerkules ng 6 PM ang deadline sa paghulog ng entries kada linggo, tuwing 10 AM naman ng Sabado ang pagbunot ng weekly winners na gaganapin sa lahat ng RGMA stations nationwide.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

 

Lahat ng non-winning entries ay may pagkakataon pang mabunot sa grand draw na gaganapin sa December 9 kaya may pagkakataon ang lahat para maging susunod RGMA Pera Sorpresa millionaire na mag-uuwi ng P1 million grand prize.

 

Mayroon ding limang winners na mula sa North Luzon, South Luzon, Visayas, Mindanao, at Mega Manila na makatatanggap ng P25,000 each. Higit sa lahat, tax-free ang lahat ng mga papremyo!

 

Ang RGMA Pera Sorpresa ay binubuo ng mga sumusunod na sponsors: Petron, Tang, Capsinesis, Sunsilk, Alaska, Mega Sardines, at Wellmade Products.

 

Para makasali, bumili ng mga produkto ng alinman sa mga participating sponsors at isulat lamang ang pangalan, edad, address, contact number at pirma sa isang papel kasama ang alinman sa mga required proof-of-purchase sa loob ng isang puting envelope. Sa likod ng envelope, isulat lamang ang RGMA Pera Sorpresa, week number, POP/brand attached, at ang RGMA Station na pinakikinggan.

 

Maaaring maghulog ng entries sa designated boxes na matatagpuan sa mga piling Petron outlets, RGMA Stations, o ipadala sa pamamagitan ng registered mail sa RGMA stations hanggang December 1, 2017.

 

Para sa karagdagang detalye, makinig lamang sa Barangay FM at Super Radyo AM stations nationwide, i-like ang RGMA Pera Sorpresa Facebook page sa www.facebook.com/PeraSorpresaNationwidePromo, panoorin ang Pera Sorpresa mechanics plug, o bisitahin ang www.gmanetwork.com/radio.