BAGHDAD (Reuters) -- Hindi makikipag-usap ang gobyernong Iraqi sa Kurdistan Regional Government (KRG) tungkol sa mga resulta ng “unconstitutional” na referendum para sa kasarinlan na ginanap nitong Lunes sa hilaga ng Iraq, sinabi ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi.

“We are not ready to discuss or have a dialogue about the results of the referendum because it is unconstitutional,” anang Abadi sa speech broadcast sa state TV nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ng KRG ni Masoud Barzani na hindi binding ang referendum at hindi nangangahulugan ng lehitimong mandato para makipagnegosasyon sa Baghdad at mga katabing bansa kaugnay sa paghihiwalay ng Kurdish-controlled region mula sa Iraq.

Inaasahan nang mananalo ang “yes”, at ipapahayag ang final results sa loob ng 72 oras.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'