Ni ROY C. MABASA

Sa gitna ng kontrobersiya sa diumano’y pagkakasangkot ng Bureau of Customs (BOC) sa shipment ng P6.4 bilyon shabu mula sa China, nangako ang Chinese government na lalo pang paiigtingin ang “real-time information exchange, close case coordination, and timely joint combat operations” laban sa mga krimeng may kaugnayan sa droga sa Pilipinas.

Naglabas ang Chinese Embassy sa Manila ng pahayag kahapon na pabibilisin ng China ang pagsusulong ng drug rehabilitation, at iba pang larangan para makatulong sa pagsugpo ng droga sa Pilipinas.

“In addition, China will further intensify the Philippines anti-drug training, and provide drug investigation, test equipment and technical support in drug control,” saad ng Chinese embassy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“China holds ‘zero tolerance’ attitude towards drugs in and out China,” diin ng embahada. “Drug criminals, regardless of their nationalities, have to receive severe sanctions according to law. Both China and Philippines would like to combat drug crimes with more determination, more efforts, and more effective measures.”

Binanggit ng Chinese embassy na ang mabilis na pagkilos ng Chinese customs law enforcement officers at episyenteng kooperasyon ng BOC ay nagresulta sa pagkakasamsam ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa dalawang bodega sa Barangay Ugong, Valenzuela City nitong Mayo.

Binigyang-diin naman ng Taiwan na kailanman ay hindi nanggaling sa isla ang illegal drugs na pumapasok sa Pilipinas, pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Dr. Gary Song-Huann Lin, kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas, na lubusang sinusuportahan ng Taiwan ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na labanan ang transnational drug syndicates.

Binanggit ni Lim na ang magkatuwang na pagsisikap ng Taiwan at Pilipinas sa paglaban sa transnational drug crimes ay nagbunga ng 12 mahahalagang kaso at pagkakumpiska ng mahigit 1,000 kilo ng shabu, mahigit 8,000 kilo ng semi-finished products at raw materials, tatlong shabu laboratory, isang distribution station at anim na shipment ng illicit drugs na idinaan sa air cargo at sea container. Ang halaga ng mga nasamsam ay tinatayang aabot sa halos P3.2 bilyon.