Ni NORA CALDERON

NGAYONG napapanood na si Carmina Villarroel bilang si Ceres sa drama-fantasy na Super Ma’am ni Marian Rivera-Dantes, lalong dumami ang nagtatanong kung balik-Kapuso na ba siya?

CASSY, ZOREN, CARMINA AT MAVVY copy

Bukod kasi sa naturang teleserye, napanood na rin si Carmina na nag-guest sa Sarap Diva at nag-guest din silang buong mag-anak sa Road Trip na kinunan sa Batanes Island. Kaya tinanong namin siya nang makausap namin.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“Hindi naman ako naka-exclusive contract sa anumang network,” sabi ni Mina. “Kung saan may offer, tinatanggap ko basta walang conflict. Kaya natuwa ako nang tawagan nila ako para magkaroon ng special role sa Super Ma’am kasi ngayon ko pa lang makakatrabaho si Marian at naroon din si Tita Helen (Gamboa).

“Pareho kaming open sa work ni Zoren. Katatapos din lang niyang mag-guest sa I Heart Davao at papasok din siya sa Ika-6 Na Utos. Ito namang kambal namin, sina Mavvy at Cassy, madalas ding tawagan ng Eat Bulaga para mag-guest sa opening production numbers nila kung Saturday, na walang pasok ang dalawa.”

Nagpaabot ng pasasalamat si Carmina sa mga nagsasabing napalaki nila ni Zoren ng maayos ang kambal nila.

Nang magtanong sa kanya kung bakit hindi na nila sinundan ni Zoren ang kambal, ngayon daw na 16 years old na ang dalawa, lalong hindi na puwede. Kung noon daw ay gusto ni Mavvy, pero ngayon ay ayaw na niya, dahil satisfied na silang magkapatid sa isa’t isa.

Si Cassy ang medyo may hilig sa showbiz, kasabay ng studies nito, kuwento pa ni Mina. Pero si Mavvy, mas gustong mag-concentrate sa studies at basketball kaysa magseryoso sa showbiz. Happy naman daw ang kambal sa tuwing may offer na endorsements sa kanila dahil sa nagiging bonding na rin nila ang photo at TVC shoots.

Ngayong medyo maluwag ang schedule ni Carmina, gusto niyang magkaroon ng business. Matagal na siyang gustong magkaroon ng drugstore, kaya thankful siya na kinuha silang magpapamilya bilang endorser ng CitiDrug at puwede raw silang mag-franchise. Kaya naghahanap na si Zoren ng location sa Cainta, Rizal at sa Pasig City na malapit sa kanilang lugar.

“Pero kung may offer sa GMA, tatanggapin ko naman. Ayaw ko pa rin namang mabakante sa pag-arte. Sa ngayon wala akong program sa ABS-CBN,” nakangiting pagtatapos ni Carmina.