Ni: Bert De Guzman

Ipinasa ng House Committee on Health nitong Lunes ang House Bill 180 (Providing Compassionate and Right of Access to Medical Cannabis and Expanding Research into its Medical Properties) at ang lahat ng panukala na may kinalaman sa cancer.

Tinalakay at pinagtibay din ng komite ni Quezon Rep. Angelina Tan ang HB 4161 na nag-oobliga sa post-graduate physicians at bagong medical specialists na magsagawa ng anim na buwang serbisyo-medikal sa mga lokal na pagamutan o local health facilities.

Aayusin at pag-iisahin ng technical working group ni Rep. Sandra Eriguel (2nd District, La Union) ang lahat ng panukala, resolusyon sa pagtatag ng mga pasilidad sa paggagamot sa cancer, insurance coverage at suporta ng gobyerno sa mga pasyenteng may cancer, cancer prevention and control program, at pagpapalaganap ng kaalaman ng tungkol sa sakit.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?