Ni NITZ MIRALLES

SI Ai Ai delas Alas ang pantapat ng Pitalicious Food carts kay Piolo Pascual sa pagiging endorser ng Pitalicious Shawarma at naniniwala ang mag-asawang Brian at Jillian Francisco na matutulungan pa ni Ai Ai na lalo pang lumago ang kanilang negosyo.

Ai-Ai, Brian at Jillian Francisco copy

Maganda ang record ni Ai Ai sa pagiging endorser, tumataas ang sales ng mga produktong ibinebenta niya sa consumers, kaya hindi malayong mas makilala at mabilis na madagdagan ang branches o stall ng Pitalicious Shawarma.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

One year ang pinirmahang kontrata ni Ai Ai bilang endorser ng Pitalicious Shawarma na may Pinoy at Lebanese blend. Si Ai Ai ang first celebrity endorser nila at naikuwento ni Jillian na bago pa nila kinuha si Ai Ai, nasa isip na niya na ito kapag afford na nilang kunin.

“Hindi ko na maalala kung ilan ang endorserment ko ang dami na rin, mga between 30 to 35 since nag-start ako. Maganda itong Pitalicious dahil bibigyan nila ako ng puwesto. First endorsement ko ito na may franchise ako at excited na ako, part ‘yun ng deal namin. Kundi sa FEU, sa University of Makati ko ilalagay, basta kung saan maraming tao.

Nakipag-meeting na ako sa FEU bilang alumni nila ako at kaya gusto ko sa may FEU dahil doon din itatayo ang sariling negosyo ni Gerald (Sibayan, ang kanyang fiance) na Bacsilog. Ipinangako ko sa sarili na ‘pag may puwesto na ako, tututukan ko ang operation,” pangako ni Ai-Ai.

Hindi lang franchise ang ibibigay ng Pitalicious kay Ai-Ai, susuportahan din nila ang kanyang show na Bossing and Ai sa taping, kaya hindi magugutom ang guests at staff ng show. Pati sa December 12 wedding nina Ai Ai at Gerald, susuporta ang Pitalicious.

Anyway, tuloy na ang kasal nina Ai-Ai at Gerald at lahat na maliban sa simbahan at venue ng reception ay ipinaalam ni Ai Ai. Kaya pagbigyan na ng kanyang fans, total malalaman din naman sa araw ng kasal.

“Confidential ang church at venue ng reception. This will be a solemn gatherings of friends and family. Thank you, God nakahanap na ako ng aking forever,” masayang pahayag ni Ai Ai.

May pre-nuptial agreement sina Ai Ai at Gerald, pero nangako si Ai Ai sa lawyer nila na hindi pag-uusapan ang tungkol doon kaya nakiusap siya sa mga reporter na nasa presscon/contract signing ng pagiging endorser niya ng Pitalicious na huwag na siyang tanungin tungkol dito. Pero sinagot ang share nila ni Gerald sa gastos sa kanilang December 12 wedding.

“Nag-agree kami ng 80-20, 80 percent ang share ko at 20 percent sa kanya. May mga gastos na 50-50 kami. Pero dream ko talaga na gastusan ako ng lalaki. Talagang kailangan, mandatory ‘yun at sinabi ko kay Gerald, meron talaga siyang share,” sagot ni Ai Ai.

Ang ibang isyu sa nalalapit na kasal nila ni Gerald, ayaw nang pag-ukulan ng pansin ni Ai-Ai.

“Sa buhay ngayon, iba na ang social media. Either way, kahit anuman ang sasabihin ko, ‘yung iba hindi naman maniniwala. May masabi lang. So, okay lang. Basta masaya kami ni Gerald at magpapakasal kami, magkakaroon ng matrimonya ng kasal, ‘yun ang importante na sa harapan ng Diyos, sa mata ng Diyos, wala kaming kasalanan,” pagtatapos ni Ai Ai.